ang lubos kong pagbati sa isa sa aking pinakamatalik na kaibigan (boss ko ito... kamusta ka na Ma'am) na si wenay... naway maging mabuti kang ina sa iyong dinadalang sanggol sa iyong sinapupunan (saan pa nga ba edi sa sinapupunan! hindi naman pwedeng sa likod o sa lalamunan).
kung ika'y may mga inaasam na iyong nilathala sa iyong blog, narito naman ang aking pinapangarap para sa iyo:
kung ika'y may mga inaasam na iyong nilathala sa iyong blog, narito naman ang aking pinapangarap para sa iyo:
- naway hindi madagdagan ang iyong kasungitan ngayong nagdadalang tao ka na
- iwasan ang na ang pag-utos sa akin kahit alam kong darating ang araw na lalo mo akong uutusan dahil magpapabili ka o magpapasama bumili ng mga gamit. alam ko rin ako ang iyong LOS ULTIMO KARGADOR.
- kahit ika'y nagdadalang tao na, nawa'y hindi mo makalimutang maglagay ng pampula sa pisngi (blush on)
- sana ay babae ang iyong anak sapagkat kung ito'y lalaki... akin na siya... (wahahahahaha)
- maging matatag dahil mas lalong dadalas ang iyong topak.
- sana'y maging kamukha ng mga kaibigan ang ugali at itsura ng iyong anak
- huwag maging palautos lalo na sa akin...
- sana'y mabawasan ang pag-uutos sa akin...
- huwag isiping dahil buntis ka ay lalo mo akong mauutusan...
- at ang huli... huwag akong gawing alila.

1 comment:
hahha sori nmn ngaun ko lng to nabsa.
Post a Comment