aking mga pananaw sa pag-ibig:
- kapag ikaw ay umibig, siguraduhing wala itong dahilan. sapagakat kung iyong sasabihin sa iyong iniirog na MAHAL MO SIYA SA KADAHILANANG... MABAIT, MAPAGBIGAY, MAPAGMAHAL (?) MAGANDA, BALINGKINITAN... PAANO KUNG NAWALA ANG MGA ITO? MAMAHALIN MO PA BA SIYA?
- kung ikaw ay pipili ng mamahalin, siguradunhing kakayanin mo ang kanyang mga pagkukulang at mapapatawad ang mga pagkakamali. dahil ang pag-ibig ay PAGTANGGAP SA KUNG ANONG PAGKUKULANG at PAGKAKAMALI niya.. hindi ito pataasan ng ere... walang pagmamahal kung hindi ko kayang bumaliko sa mga ideyolihiyang itinanim sa iyo ng lipunan... dahil ang pag-ibig mismo ay isang mundong may sariling lipunan.
- sa pag-ibig, huwag umasayang laging masaya... mangungulubot lang ang iyong malasutlang kutis sa pag-iisip ng mga paraan kung paano magiging masaya ang inyong samahan
- ang pag-ibig ay hindi kung ano ang gusto mong manyari sa iyong minamahal, at sa inyong relasyon... kung pinili mong makisama sa iyong iniirog, huwag magtakda ng anumang alituntunin... dahil walang batas o alituntuning sinusunod ang pag-ibig.
- isa lang ang sulusyon sa hindi magkasundong mga puso... PAGHIHIWALAY... hindi pinipilit ang pag-ibig, lalong hindi ito minamadali
- hindi mahalaga ang pakikpagtalik upang mapanatiling maiinit ang pagsasamahan lalo na ang pagmamahalan... dahil kung mawala ang init nito, mamahalin mo pa ba siya?

No comments:
Post a Comment