nabasa ko ang blog nbi BB GandangHari tungkol sa hindi pagpapapasok sa kanya sa Aruba Bar dahil sa NO CROSSDRESSING POLICY ng naturang aliwan. Tama naman ang kanyang saloobin na hindi makatwiran ang ganung polisya... HINDI BA MAKATARUNGAN dahil siya ay isang CROSSDRESSER?
Sa kabilang banda naisip ko na karapatan din ng Aruba Bar ang polisiyang iyon... Kung baga, PAG MAMAY ARI KO ANG ARUBA AT PAPASUKIN KO ANG SINO MANG SUSUNOD SA MGA POLISIYA KO... para bagang sa iyong sariling bahay... may mga alituntunin...
Ang lipunan natin ay nasa proseso ng pagtanggap ng kung ano mang pagbabago na nagaganap sa kanyang mga paniniwala at values... sabi nga, hindi mo makukuha ang pagbabagong pang kultura sa isang gabi lamang...
Ang akin lamang... oo nga't pilit na tinatanggap ng ating kaisipan at lipunan ang mga bagay na hindi likas sa kanyang paniniwala... kung ang mga mamamayan nito ay madaling nakaadopt sa ganitong pagbabago, mas matatagalan ang lipunan, hanggang may mga reaksiyonista at konserbatibong paniniwala na ating hinahagkan.
isa lamang ang aral ng kwento ni BB GandangHari, na sa kabila ng kanyang pagbabago at pagtanggap sa bagong sarili ay, kailangang sumunod pa rin sa kung ano ang kultura, polisya at paniniwala ng nakararami, dahil ang pagtanggap sa sarili at kaagapay ng pagtanggap kung ano ang magiging pananaw sa iyo ng lipunan.
xoxo

2 comments:
hello merk.. grace ituh. hehe, i'll link your blog ah.. hehe.. galing mag-tagalog. can't do that ;p
Post a Comment