Thursday, July 9, 2009

patawad

Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama sa umagang ito. Apat na pareparehong liham na nakasulat sa pinutol na foil ng sigarilyo ang iniabot ng isa sa aking mga lola. Galing daw ito sa isa ko pang lola na ngayo'y nasa ospital dahil inoperahan siya at tinanggal ang bukol sa kanyang ulo.

Alam kong napakarami ng pagkakataon na, bunga ng aking masidhing galit at emosyon sa mga nagdaang pangyayari sa pagitan niya at ng aking pamilya, lungkot pa rin ang aking nadarama. Una sa lahat, lola ko pa rin siya at kahit anong mangyari hindi na mababago yun.

Sabi nga nila, sa mga panahong humingi ng kapatawaran ang isang tao na lubos na nagkasala sa iyo, tao ka lamang na handang magpatawad. Sambit nga nga matatanda, 'kung ang Panginoon ay nakapagpatawad sa lahat ng nagkasala sa Kanya, tayo pa kay?'

Binasa ko ang liham niya. "Thank you to all and Sorry for all M.A. (palayaw ko ito sa bahay)" Nadurog ang aking puso dahil ang huling balita ko ay nasa ICU siya dahil muli siyang inioperahan sa pagdugo ang kanyang naunang sugat.


Alam kong, darating din ako sa punto na mapapatawad ko ang lahat ng tao na may nagawang kamalian sa akin. Naisip ko, dapat ko pa bang hintayin ang oras na iyon kung saan ako ay nag-aagaw buhay na?

Pagkaasar ang aking nadarama ng makita at marinig ko ang reaksiyon ng aking ina sa liham. Alam kong sila ang may lubos na alitan ngunit, 'Nay, tao ka lang din!'


Hindi ko na pinansin ang aking damdamin sa kanyang reaksiyon. Ayaw ko nang gumawa ng eksena. Papasok na ako sa opisina at ayaw kong masira ang araw ko dahil lang doon.

Nalulungkot ako. Naalala ko noon na ang lola kong ito, noong kabataan ko ay siyang tigalikha ng mga lathalaing ingles ko para sa paaralan. Siya rin ang takbuhan namin sa mga bokabularyong ingles.

Ayaw ko naman isiping, ito na ang huli sa mga natitirang araw niya. Ayaw kong magpakita ng emosyon sa bahay.


Alam ko ring, hindi nya ito mababasa ngunit, 'patawad din sa mga panahon na maduduming salita ang lumabas sa aking bibig. Patawad dahil alam kong, gusto mo lamang ng pansin ng mga taong mahal mo. Salamat sa lahat!"

xoxo

sana ay makauwi ka ng matiwasay at masigla sa iyong tahanan

1 comment:

winay said...

sino itong lolang ito? neng don't wait for your death bed