
Sa tatlong taon kong pananatili sa Planet Infinity Gym sa Mo. Ignacia, Lungsod Quezon, marami akong naging kaibigan. Sila na malaki ang naitulong sa pagpupursigi kong pagpapapayat. Subalit, kinakailangan kong lumipat sa isang gym na mas malapit sa aking tahanan.
Hindi ko malilimutan ang masasayang sandali na aking nilagi sa gym na ito.
Ang aking mga guro sa StreetDance na sina Rosie, Love at Ray-an; ang mga siklistang sina Rayzon, Geoff at Mama Xhibo; at siyempre, ang aking mga kaibigang sina Carol, Aika, Moses, Aletha, Jamela, Haydee, Milben at madami pa sila na nasa itaas at nagpapalaki ng katawan... sino nga ba sila?
Sa ika-31 ng Hulyo, ang aking huling araw dito...


1 comment:
bakit hindi na lamang lumipat ng tirahan na malapit sa pook ng pag ehersisyo (gym)? hirap nang tuluy-tuloy na pananagalog!
Post a Comment