Tama nga siguro si Wenay na sobrang nakakaadik ang facebook na hindi ko na naisip pang makapagtala ng mga kuwento ng buhay-buhay dito sa aking blogspot.
Makailang araw na ang lumipas ng ako ay muling bumista sa site na ito. sa totoo lang, kagabi ko lang muling binuksan ito sa kadahilanang dito itinala ni Weng ang larawan ng aming ticket sa pagtatanghal ng BoyzIIMen na gaganapit sa Tanghalang Araneta ilang araw na lang buhat ngayon.
Sobrang ligalig ng aking pakiramdam dahil buhay ang aking social life buhat sa ilang taong pagtulog nito.
Noong isang linggo lamang ay dumayo kami muli sa Batangas, sa lugar nina Weng upang dumalo sa ikapitumpong kaarawan ng kanyang ina. Si Ina na sa kanyang edad e matikas pa ring nagagawa ang mga bagay na animo'y dalawampung taong gulang lamang siya.
Hindi namin tinantanan ni Cess ang ubod ng sarap na Minatamis na Sago na animo'y ginawa naming kanin. Wala naman sigurong pakialaman e sabik kaming muling matikman ang panghimagas na iyon.
Si Bessie Cessie, Ako at si Dc nawalang ginawa buong araw kundi ang lumamon, matulog, makinig sa ipod, lumamon at matulog ulit
Simula sa isang linggo ay puno ang talaan ko ng mga pagliliwaliw at pagninilay. Nakatakda akong pumunta sa Boracay kasama ang aking mga kapatid at pinsan.
Sa susunod na sabado naman ay dadalo kami sa isang Art Exhibit sa the Fort.
At ang pinakahihintay kong sandali (pinakahihintay rin nina Weng at DC) ay ang pagtatanghal ng BoyzIIMen.
Ang aming ticket sa pagtatanghal ng BIIM
Makailang araw na ang lumipas ng ako ay muling bumista sa site na ito. sa totoo lang, kagabi ko lang muling binuksan ito sa kadahilanang dito itinala ni Weng ang larawan ng aming ticket sa pagtatanghal ng BoyzIIMen na gaganapit sa Tanghalang Araneta ilang araw na lang buhat ngayon.
Sobrang ligalig ng aking pakiramdam dahil buhay ang aking social life buhat sa ilang taong pagtulog nito.
Noong isang linggo lamang ay dumayo kami muli sa Batangas, sa lugar nina Weng upang dumalo sa ikapitumpong kaarawan ng kanyang ina. Si Ina na sa kanyang edad e matikas pa ring nagagawa ang mga bagay na animo'y dalawampung taong gulang lamang siya.
Hindi namin tinantanan ni Cess ang ubod ng sarap na Minatamis na Sago na animo'y ginawa naming kanin. Wala naman sigurong pakialaman e sabik kaming muling matikman ang panghimagas na iyon.
Si Bessie Cessie, Ako at si Dc nawalang ginawa buong araw kundi ang lumamon, matulog, makinig sa ipod, lumamon at matulog ulitSa susunod na sabado naman ay dadalo kami sa isang Art Exhibit sa the Fort.
At ang pinakahihintay kong sandali (pinakahihintay rin nina Weng at DC) ay ang pagtatanghal ng BoyzIIMen.
Ano pa nga ba't hindi ako masyadong naliligalig sa mga gagawin namin! YEHEY!
xoxo
xoxo

No comments:
Post a Comment