Isa sa mga layunin ng isang malaya at makabuluhang panunulat ay ang pumukaw ng mga natutulog na damdamin, ipaalala ang kahalagahan ng mga aral na natutunan mula sa nakaraan. Mga latlahain na may mga paksang tunay na kukurot hindi lamang sa puso ngunit sa isipan ng mga mambabasa nito. Mga latlahaing ikaw mismo ang pumipili base sa batayan ng iyong pag-arok at kinagisnang pananaw. Nais mo mang ibigin ngunit hindi lahat ng iyong mababasa ay iyong ikaliligaya. Mga mapanuring likha na hindi naman isinulat o walang hangaring ipatungkol sa iyong buhay ngunit sadyang pumukol sa iyong kalagayan.
Sa isang makabuluhang pagsusulat, kinakailangan ang responsableng adhikain, sa mga gagamiting salita na hindi ikasasama ng kalooban ng kapwa. Ganoon din sa mga mambabasa nito, kinakailangan ng malawak na pananaw sa mga nababasang likha na may kaakibat ng responsibilidad sa magiging bugso ng iyong damdamin.
Nais kong linawin, ako'y nagsulat ng mga bagay na pangkalahatan ang paksa. Nais ko mang linawin ang aking panig ngunit may mga bagay na nasabi na.
Una sa lahat, kung ikaw ay nakabasa ng isang likha na nakasakit sa iyong damdamin o nakapukaw sa mga nagawang kasalanan sa nakalipas, siguraduhing ito ay isinulat para sa iyo. Dahil, may mga pagkakataon na hindi naman inilaan sa iyo ang sulating iyon ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon ay pumitik sa saloobin at ikaw ay nakapagsalita na ng mga bagay na kahit kailan ay hindi mo na mababawi.
Pangalawa, ika'y mambabasa. Ang isang responsableng mambabasa ay hindi agad nagpapadala kung sa ano ang sinabi ng damdamin ngunit kung ano ang tama batay sa iyong talino at galing sa pangunawa.
Malamang, isa sa mga araw ay mababasa mo ang latlahain na ito. Sasabihin ko sa iyo, siguraduhin mo munang ikaw nga ang aking kinakanti sa isang walang kabuluhan at walang direksyong panunulat na ito.
Maging matalino. Lawakan ang pangunawa, dahil hindi lahat ng bagay na aking isusulat ay pawang pasaring sa mga pangyayaring iyong nagawa sa nakalipas.
Ako'y nagsusulat lamang ng mga saloobing inisip ko na pupukaw ng atensiyon hindi ng iisang tao lamang. Sabi nga nila, nasa ospital ang mga seryosong tao!
xoxo