Isinama ako ng aking kaibigan sa PowerBooks sa Makati, ilang taon na ang nakalipas upang manood ng mga bagong anime na ipapalabas pa lamang noon sa AXN Channel. Sinabi ng tagapangasiwa na magpapalabas sila ng isang live action na pelikula. Gohatto Tabou ang pamagat nito. Ito at kwento ng mga pakikipagsapalaran ng mga samurai sa isang panahaon sa kasaysayan ng Japan. Ang kakaiba dito, isinadula na ang mga matatandang samurai ay nagkakaroon ng sekswal na relasyon sa kanilang nakakabatang samurai (apprentice). Hindi naman bulgar ang pagsasadula ngunit naintriga ako sa aking napanood.
Ito marahil ang dahilan ng aking pagsasaliksik kung talaga nga bang nagkaroon ng ganitong relasyon ang mga matitipunong samurai.
Shudo ang tawag sa relasyong nagaganap sa pagitang ng matanda ang isang batang samurai. Legal ito sa kanilang kapanahunan. Kung baga : kiber kung thunders na ang samurai? DOM? wahehehe
Naisip ko tuloy, ano ang kaya at ganito rin ang pangkalahatang kaisipan ng lahat ng tao ngayon. Na tanggap sa lipunan ang mga ikukundena ng isang makalumang relihiyon. Naisip ko tuloy, sa kasaysayan ng makalumang Greece, ang mga pilosopo ay may mga karelasyong atleta. Inaalagaan nila ito at hinuhubog upang ipanlaban sa olimpiada. Sa halos pagkaraan makapag-ensayo ng mga atletang ito ay kinukuha nila ang mga pawis at ginagawang pabango. Naalala nyo pa ba si Achilles? Isang matipunong karakter sa Oddessy. Pero alam nyo ba na karelasyon niya ang kanyang pinsang si Petrolocus?
Sa makabagong panahon? Sa sinasabing tanggap na sa lipunan ang mga ganito kultura, maniniwala ka ba na lubos ngang tatanggapin ang isang HOMOSEXUAL NA RELASYON?

xoxo
Ito marahil ang dahilan ng aking pagsasaliksik kung talaga nga bang nagkaroon ng ganitong relasyon ang mga matitipunong samurai.
Shudo ang tawag sa relasyong nagaganap sa pagitang ng matanda ang isang batang samurai. Legal ito sa kanilang kapanahunan. Kung baga : kiber kung thunders na ang samurai? DOM? wahehehe
Naisip ko tuloy, ano ang kaya at ganito rin ang pangkalahatang kaisipan ng lahat ng tao ngayon. Na tanggap sa lipunan ang mga ikukundena ng isang makalumang relihiyon. Naisip ko tuloy, sa kasaysayan ng makalumang Greece, ang mga pilosopo ay may mga karelasyong atleta. Inaalagaan nila ito at hinuhubog upang ipanlaban sa olimpiada. Sa halos pagkaraan makapag-ensayo ng mga atletang ito ay kinukuha nila ang mga pawis at ginagawang pabango. Naalala nyo pa ba si Achilles? Isang matipunong karakter sa Oddessy. Pero alam nyo ba na karelasyon niya ang kanyang pinsang si Petrolocus?Sa makabagong panahon? Sa sinasabing tanggap na sa lipunan ang mga ganito kultura, maniniwala ka ba na lubos ngang tatanggapin ang isang HOMOSEXUAL NA RELASYON?

xoxo

No comments:
Post a Comment